PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang distribusyon ng financial assistance at livelihood aid sa Davao City ngayong araw.
Ito ay base sa inilabas na press statement ni Office of the Press Secretary-OPS OIC Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil.
Sa kanyang talumpati, nangako si Pangulong Marcos na palalakasin ng pamahalaan ang mga hakbangin para sa economic transformation at lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Sa kabilang banda, pinasalamatan naman ni Davao City Mayor Sebastian Z. Duterte si Pangulong Marcos sa kanyang pangako na suportahan ang local government units gayundin ang pagtataguyod ng kapakanan at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.
Bukod kay Mayor Duterte, kasama rin ni Pangulong Marcos si Special Assistant to the President Sec. Antonio Lagdameo Jr. sa cash aid distribution ceremonies.