KINUMPIRMA ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan ang kagustuhan na maiwasan ang insidente ng road rage sa lungsod ng Quezon.
Ito ay base sa panayam ng media, araw ng Huwebes Setyembre 14, 2023.
Bukod pa ito sa layunin ng programa na masawata ang kriminalidad sa lungsod katuwang ang mas pinalakas na 3-minute response ng QCPD.
Naniniwala ang heneral na sa pamamagitan ng maigting na police visibility ay hindi lang mapipigilan ang road rage incidents kundi kasama na rin ang iba pang uri ng kriminalidad.
Sa ngayon, ang nasabing Anti-Crime Reaction Teams ay nakatakdang gamitin sa kasagsagan ng election period.