NANANATILI pa ring malinis at walang naitatalang anumang election related incidents ang lungsod ng Quezon sa kasagsagan ng paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ang kinumpirma ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan sa panayam ng media sa Camp Karingal araw ng Huwebes, Setyembre 14, 2023.
Ayon sa heneral, hanggang sa mga oras na ito ay wala pa silang report na may away o conflict sa pagitan ng mga kandidato sa lungsod.
Patunay aniya rito ang pagkakabilang ng Quezon City sa green category batay sa monitoring ng COMELEC katuwang ang PNP at AFP.
Pangako ng PNP, ang patuloy nilang pagsisikap na makuha nila ang 100 percent peaceful conduct ng BSKE 2023 mula sa 6002 na mga kandidato na maglalaban-laban sa lungsod.
