NAGKAROON ng snow sa kauna-unahang pagkakataon ang Al-Nafud, isang disyerto sa North-Central Saudi Arabia.
Nangyari ito noong Nobyembre 3, 2024 at agad itong kumalat sa social media kung saan makikita ang mga kamelyo na maingat na naglalakad sa snow.
Ayon sa United Arab Emirates National Center of Meteorology, nagkaroon ng snow sa nabanggit na disyerto dahil sa low-pressure area mula sa Arabian Sea.
Ibig sabihin, ang low-pressure area ay nagdala ng mamasa-masang hangin papunta sa disyerto.
Sa kasaysayan, bagamat bihira pero may iba na ring mga disyerto ang nagkaroon ng snow gaya ng Sahara Desert sa Africa.