Diumano’y kudeta vs PBBM, negatibo pa rin—PNP

Diumano’y kudeta vs PBBM, negatibo pa rin—PNP

MULING pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang diumano’y namumuong kudeta laban sa kasalukuyang administrasyon.

Ito ang sinabi ni PNP acting PIO chief PCol. Jean Fajardo sa panayam ng media sa Kampo Krame.

Giit ni Fajardo, nananatiling buo ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Nanatili ring mataas ang morale ng PNP hanggang sa ngayon sa kabila ng mga nangyayaring bangayan sa pagitan ng mga malalaking personalidad sa bansa kung saan isinasangkot si Pangulong Marcos.

Matatandaang, tinawag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumagamit ng ilegal na droga ang Pangulo at inalerto nito ang militar at pulisya para tingnan ang usaping ito.

Bagama’t nauna nang itinanggi ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP habang hindi naman direktang inamin o kinumpirma ni Pangulong Marcos ang akusasyon ni Duterte.

Dumistansiya rin ang PNP kaugnay sa hamon ni Duterte na magpa-drug test silang dalawa ni Pangulong Marcos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter