Diwata Pares sa Quezon City, binuksan na

Diwata Pares sa Quezon City, binuksan na

BINUKSAN na sa publiko ang Diwata Pares sa Quezon City.

Dumalo si Vice Mayor Gian Sotto sa pagbubukas nito kahapon Hunyo 2, 2024.

Ito ang pinakabagong branch ng Diwata Pares Overload sa lungsod ng Quezon.

Sa ibinigay na mensahe ni Sotto, mula sa kaniyang pinagdaanan hirap ay nagtiyagang magsikap at ngayon ay nakamit nito ang tagumpay.

Aniya, huwag magbago sa mga taong nangangailangan ng tulong at ang kaniyang mga tinutulungan.

Sinabi pa ni Sotto, ang puno kapag hitik sa bunga ay binabato, kung saan ipagpatuloy lang nito ang kanyang nasimulan sa sarling sikap at magandang pag-uugali lalo sa mga Qcitizen.

Matitikman na sa Brgy. Culiat ang mga viral na putahe at bagong produkto ni Diwata tulad ng Diwata’s Spaghiti, Family Siken, Sokoleyt, at Hotdog Overload.

Follow SMNI NEWS on Twitter