MAGSASAGAWA ng upskilling ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Saudi Arabian government para sa Overseas Filipino Workers (OFW).
Target ng naturang upskilling ang pagpapadala na ng mga Pilipinong health worker imbis na domestic helpers sa Middle East.
Maliban sa upskilling ay nagkasundo rin ang Saudi Arabia at Pilipinas na magkaroon ng joint monitoring program na tututok sa kapakanan at kaligtasan ng mga OFW sa kanilang bansa.
Samantala, ang bansang Oman at Jordan ay nakikipag-negosasyon na rin sa Pilipinas hinggil sa upskilling ng OFWs.
Partikular na sa Jordan, nangangailangan sila ng mga lalaking agricultural workers.
Follow SMNI News on Rumble