DMW, iaalok ang ibang bansa para sa first-time domestic helpers na “banned” sa Kuwait

DMW, iaalok ang ibang bansa para sa first-time domestic helpers na “banned” sa Kuwait

MAG-aalok ng ibang bansang papasukan ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga first-time sana na mga domestic helper papuntang Kuwait.

Kaugnay ito sa inanunsyo kahapon ng ahensya na magpapatupad sila ng deployment ban para sa mga nabanggit.

Ayon kay DMW Usec. Hans Leo Cacdac sa panayam ng SMNI News, Hong Kong at Singapore ang kanilang irerekomenda at mismong sila ang tutulong para makapasok ang mga ito sa trabaho.

Bukod sa standard ang sahod, sinabi ni Cacdac na malapit lang ito sa Pilipinas at halos magkapareho lang ang kultura.

Samantala, ayon kay Cacdac, target na rin nila na pawang skilled workers na ang ipapadala sa ibang bansa at hindi na domestic helpers. Kuwait

Follow SMNI NEWS in Twitter