DMW iimbestigahan ang agency at may-ari ng barko ng walong Pinoy crew na nakulong sa Malaysia

DMW iimbestigahan ang agency at may-ari ng barko ng walong Pinoy crew na nakulong sa Malaysia

MAGSASAGAWA ng sariling imbestigasyon ang Department of Migrant Workers (DMW) sa lisensyadong manning agency at sa may-ari ng barkong kumuha sa walong Pilipinong seafarer na na-detain at pinalaya sa Malaysia.

Layunin ng imbestigasyon na matukoy ang pananagutan at mapalakas ang mga mekanismo ng proteksiyon para sa Overseas Filipino Workers.

Matatandaang ang walong Pinoy seafarer kasama ang 12 Indian na crew rin ng crude oil tanker na MT Krishna 1 ay inaresto at ikinulong ng Royal Malaysian Police sa Johor noong April 11.

Ito’y dahil sa umano’y paglabag sa batas ng imigrasyon matapos pumasok sa Malaysia nang walang mga pasaporte at wastong dokumento.

Samantala, personal nang nakipagkita si DMW Sec. Hans Leo Cacdac sa mga seafarer at kanilang pamilya nitong Abril 21, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble