DMW ipinasara ang kompanyang ilegal na nagre-recruit ng aircraft mechanics sa U.S.

DMW ipinasara ang kompanyang ilegal na nagre-recruit ng aircraft mechanics sa U.S.

IPINASARA ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Aerostrategies Inc., dahil sa kawalan ng lisensiya sa pagre-recruit ng Filipino Aircraft Mechanics patungong U.S.A.

Sa isinagawang pagsalakay ng Migrant Workers Protection Bureau sa tanggapan ng naturang kompanya nalaman nilang nang-aakit ito ng aplikante gamit ang pekeng job offers sa Texas na may suweldo umanong $3,344 US dollar o katumbas ng halos P2K.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, niloko ng kompanya ang mga aplikante sa pagpapanggap bilang aviation consultancy kahit wala itong tamang accreditation mula sa DMW.

Dahil dito, inilagay na sa blacklist ang mga opisyal ng kompanya at tuluyan nang ipinagbawal sa anumang overseas recruitment activity.

Inirekomenda rin ng DMW ang kanselasyon ng business permit ng Aerostrategies Inc. at ang pagtanggal ng kanilang SEC registration.

Kasabay rito, naghahanda na rin ang ahensiya ng mga kasong isasampa laban sa mga opisyal ng naturang kompanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble