DMW, magkakaroon ng jobs fair sa seafarers ngayong linggo

DMW, magkakaroon ng jobs fair sa seafarers ngayong linggo

MAGKAKAROON ng seafarer’s jobs fair ang Department of Migrant Workers (DMW) ngayong linggo.

Sa anunsiyo, Hunyo 28 ito isasagawa sa DMW Office, Blas F. Ople building sa Mandaluyong City.

Para sa mga interesado ay magdala ng kopya resume o biodata, kopya ng pasaporte, ballpen, face mask, at alcohol.

Layunin nito ang mabigyan ng oportunidad ang mga indibidwal na nais magtrabaho abroad.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasagawa ng jobs fair ang DMW para sa Filipino seafarers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter