NAMAHAGI ang Department of Migrant Workers (DMW) ng P10.7M na livelihood assistance para sa mahigit 1K (1,067) na babaeng overseas Pinoy workers.
Sa ilalim ito ng Balik Pinay, Balik Hanapbuhay (BPBH) program.
Ang BPBH program ay ginawa para makapagbigay ng financial assistance at training para sa mga nasa kagipitan na babaeng OFWs upang makapagsimula ng negosyo.
Pinakamarami namang benepisyaryo rito ay nagmula sa SOCCSKSARGEN, Western Visayas, Davao Region, at Central Luzon.
Follow SMNI News on Rumble