ISASAGAWA ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang joint command conference sa Camp Aguinaldo, Quezon City ngayong umaga.
Pangungunahan ito nina Defense Secretary Carlito Galvez Jr. at AFP chief of staff General Andres Centino.
Inaasahang dadalo rito ang matataas na opisyal ng DND at AFP.
Ayon kay Defense Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito de Leon, inaasahang ibibigay ng kalihim sa pagtitipon ang kaniyang command guidance sa DND.
Nabatid na isusulong ng kalihim ang 10-point agenda na sinimulan ni dating Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr.
Nauna nang tiniyak ni De Leon ang kanilang buong suporta kay Secretary Galvez at hindi na kailangan na magkaroon ng loyalty check sa DND at AFP dahil nananatiling mataas ang kanilang morale.