INANUNSIYO ng Department of Energy (DOE) na dadami pa ang ‘yellow alerts’ ngayong buwan ng Mayo.
Ayon kay DOE Usec. Rowena Guevarra, inaasahan na nila ang malalang mga pangyayari lalo na at temporaryong hindi na operational ang Ilijan Natural Gas Plant sa Batangas.
Ito’y dahil sumasailalim sa pagsasaayos matapos nahinto ang paghahatid ng suplay ng gas mula sa Malampaya natural gas facility.
Ngayon, umaasa si Guevarra na dapat hindi ma-delay ang itinatayong transmission lines.
Ang Hermosa-San Jose Transmission Line na inaasahang matatapos ngayong Hulyo ay may ambag na 600 megawatts.
Ang Mindanao-Visayas Interconnection Project ay malaking tulong din.