IBINAHAGI ng Department of Finance (DOF) na inilunsad ng United Kingdom (UK) ang kanilang British investment partnerships sa pagitan ng Pilipinas.
Mula dito, mas magiging maganda pa ang ugnayan ng dalawang bansa hinggil sa ekonomiya, seguridad at development.
Partikular na palalakasin ay ang pagtatayo ng green infrastructure, clean technology at climate finance sa Pilipinas.
Matatandaang prayoridad ng Marcos administration ang pagpapaganda ng imprastraktura sa bansa sa susunod na 5 taon batay sa kaniyang 8-point socioeconomic agenda.