Mitoy Yonting, nagkaroon ng “2022: Salamat UK” concert sa United Kingdom

Mitoy Yonting, nagkaroon ng “2022: Salamat UK” concert sa United Kingdom

NAGTUNGO sa United Kingdom ang nagwagi sa The Voice Philippines na si Mitoy bago matapos ang taong 2022 para sa kanyang United Kingdom tour concert.

Enero 7 ang kulminasyon ng concert tour ni Mitoy sa United Kingdom.

Ginanap ito sa Crown London Hotel, Cricklewood, UK.

Dumating si Mitoy noong Disyembre 16, 2022.

Matatandaan na si Mitoy ang pinakaunang grand champion ng The Voice Philippines 2013.

Siya ay isang batikang singer performer at ang lead singer ng kanyang sariling banda na The Draybers.

Ang kumpanyang BCRemit ang nag-sponsor sa pagbisita ni Mitoy sa UK.

Ayon sa marketing director ng BCRemit na si Maria Clarissa Lim, taong 2020 at kasagsagan ng pandemya nang mag-umpisa ang ‘Salamat UK Tour’ na ideya.

Nag-organisa sila ng isang online concert for a cause at si Mitoy ang kanilang special guest.

Ang donasyon na nakalap ay ibinahagi sa iba’t ibang parte ng UK partikular na ang mga naapektuhan ng pandemya katulad na lamang ng Filipino frontliners, nurses at care workers.

Ngayong taong ito, napag-desisyonan nila na magkaroon ng face to face meet and greet sa mga kababayan natin sa UK.

Kaya naman, sa pakikipagtulungan sa Simply C PR & Events at Britanya Ngayon, matagumpay na na-organisa ang okasyong ito.

“Natapos na ang pandemic, so we decided to invite Mitoy physically para makavisit siya sa mga lugar sa UK na nakatulong siya… travel specialist in the Philippines, tinulungan sa mga tickets,” ayon kay Maria Clarissa Lim.

Nagpapasalamat din ang batikang artista na si Mitoy sa lahat ng mga Pilipinong dumalo sa mga meet and greet na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng UK.

Ilan sa mga lugar na napuntahan niya ay sa Kent, Staffordshire, Bournemouth, Worthing at ang kanyang huling stop ay sa London.

Follow SMNI NEWS in Twitter