NAKIISA ang Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD)-Region 1 sa Provincial Government ng Ilocos Norte sa idinaos na International AIDS Candlelight Memorial sa Banna Amphitheater sa Banna, Ilocos Norte.
Kabilang sa mga lumahok ay mga local government at medical group gaya ng Banna, Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, Karmelli Clinic and Hospital, Inc., Ilocos Norte Medical Society at Ayat Foundation.
Ang tema ngayong taon ay “Spread Love and Solidarity, Not Stigma and Fear”, ang taunang obserbasyon na ito ay isang matinding paalala sa pandaigdigang epekto ng human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immune deficiency syndrome (AIDS).
Ito’y isang collective commitment para tumaas pa ang lebel ng kamalayan at suporta upang mabawasan ang kaso ng HIV at AIDS.
Nangako naman si Ilocos Norte Vice Governor Cecilia Araneta-Marcos at Mayor Mary Chrislyn Abadilla ng Banna na susuportahan ang kampanyang ito, maging ang mga pamilya na apektado ng HIV at AIDS sa kanilang mga nasasakupan.