TINIYAK ng Department of Health (DOH) na nakahanda silang umasiste para sa nutritional, mental at psychosocial na pangangailangan ng mga residenteng malapit sa Bulkang Mayon.
Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, mayroon nang binuong disaster response team ang DOH-Bicol Region para dito.
Sa katunayan, mayroon nang P1.8-M o katumbas ng 300-K pesos na contingency fund ang inilaan ng DOH para sa bawat apektadong lokal na pamahalaan.
167 na human resource centers na rin ang itinayo sa mga evacuation center.
May karagdagang portable toilets, tubig at bathing/ sanitary kits ang ibinibigay.
Isang code blue alert na rin ang itinaas sa Albay para lahat ng mga ospital sa lugar ay makakapag-ipon na ng resources at makakapag-deploy ng health emergency teams.