DOH, magandang mataasan na ang pondo

DOH, magandang mataasan na ang pondo

MAGANDA na taasan ang pondo ng Department of Health (DOH).

Kung mamarapatin, mainam na triplehin ang inilaang pondo sa ahensiya ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa.

Aniya, nasa 5.38% lang mula sa Gross Domestic Product (GDP) ang inilaan ng pamahalaan para sa DOH.

Sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, nasa 17% ang inilaan nito para sa kalusugan habang 15% naman sa Japan at Singapore.

Naiintindihan ni Herbosa na magiging hamon sa pamahalaan ang hiling niya kung kaya dadahan-dahanin niya ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter