NAGHAHANDA ang Department of Health (DOH) para sa posibleng outbreak disease kasunod ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa bansa.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Dir. Althea de Guzman, maraming pamilya ang nasa evacuation centers kung saan posibleng lumaganap ang mga respiratory at flu cases kabilang ang dengue, tigdas at iba pa.
Sinabi rin ni Health Emergency Management Bureau Dir. Dr. Bernadette Velasco bago pa mag land fall ang bagyo ay nakahanda na ang ahensya ng P104.72 milyon na halaga ng mga assorted medicines at commodities.
Nakapag-deploy na rin ang DOH ng halos P1 milyong mga gamit, medical supplies at hygiene kits sa Western Visayas, Iloilo at sa Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Maguindanao Province at Cotabato City.