DOH, naglaan ng higit P31-M para sa mga lugar na apektado ng Bagyong Paeng

DOH, naglaan ng higit P31-M para sa mga lugar na apektado ng Bagyong Paeng

NAGLAAN ang Department of Health (DOH) ng higit P31 milyong halaga ng mga gamot, medical supplies, at iba pang commodities sa mga rehiyon na apektado ng Bagyong Paeng.

Ayon kay DOH OIC Health Secretary Maria Rosario Vergeire, naghanda na sila ng ipamamahaging tulong bago pa mag landfall ang bagyo dahil batid nilang marami ang maaapektuhan.

Kabilang sa mga nasalantang lugar na mabibigyan ng tulong ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at National Capital Region (NCR).

Makatatanggap din ang Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Caraga at Bangsamoro Region.

Nakapagdeploy na rin ang DOH ng mga health worker sa evacuation centers upang magbigay ng serbisyong pangmedikal.

Follow SMNI NEWS in Twitter