NAIS ng Department of Health (DOH) na magkaroon ng National Nursing Advisory Council.
Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, ito’y para may tututok sa mga problema ng Filipino nurses.
Hakbang ito para mahikayat ang mga nurse na manatili sa bansa at magtrabaho.
Sakali namang mabuo na ito ay pamumunuan ang Council ng isang chief nursing officer na undersecretary level.
Para din maisabatas ito ay dapat may ihahain na panukala hinggil dito sa Kongreso.