NAIS ng Department of Health (DOH) na maging single dose ang kasalukuyang 2-dose vaccine sa inoculation campaign nito laban sa cancer-causing human papillomavirus (HPV).
Ayon kay Chief of Cancer Control and Mental Health Division ng DOH na si Jan Llevado, kailangan munang maaprubahan ang plano ng Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ang HTAC ay nakatutok sa pag-aaral ng mga medical technologies at interventions kung cost-effective ba ang mga itong bilhin ng pamahalaan.
Ani Llevado, mas madaling ipatupad ang 1-dose ng bakuna kompara sa 2 dose dahil sa hindi na kailangan pang pabalikin pa ang kliyente.
Ang panukala ng DOH na gawing single dose ang HPV vaccine ay nagmula sa resulta ng evaluation ng World Health Organization (WHO) na mas epektibo ang single-dose ng HPV vaccine kompara sa 2-dose schedules.