NINANAIS ng Department of Health (DOH) na mapalakas ang immunization program laban sa human papillomavirus (HPV) na siyang sanhi ng cervical cancer sa mga kababaihan.
Kung mapapalakas ito ayon sa ahensiya, mababawasan na ang bilang ng kaso ng naturang uri ng cancer sa bansa.
Target na mabakunahan dito ang mga kabataang babae edad siyam hanggang labing apat na taong gulang.
Para makamit din ang layunin ay inamin ng DOH na kailangan ng malaki-laking pondo kung kaya’t makikipag-usap na sila hinggil dito sa Department of Budget and Management (DBM).