DOH, nakapagtala ng mahigit 700 na bagong Delta at Omicron subvariants

DOH, nakapagtala ng mahigit 700 na bagong Delta at Omicron subvariants

NADAGDAGAN ang naitalang kaso ng Delta and Omicron subvariant sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Sa report hanggang nitong Martes, aabot sa 605 ang bagong BA. 5 Omicron subvariant cases batay sa October 7-10 sequencing results.

93 naman ang Delta cases habang ang isang kaso ay kinukumpirma pa.

Ayon din sa DOH, 18 ang naitala para sa BA.4 at 5 cases para sa BA.2.75.

Samantala, aabot naman sa 680 ang naitala na iba pang Omicron sublineages at 171 naman ang no assigned lineage.

 

Follow SMNI News on Twitter