DOH, nakapagtala pa ng 2 biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong ng 2024

DOH, nakapagtala pa ng 2 biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong ng 2024

MAY dalawa pang bagong biktima ng stray bullet dahil sa pagdiriwang ng Bagong Taon ayon sa Department of Health (DOH).

Ang isang biktima ayon sa ahensiya ay 28 anyos na lalaki mula sa National Capital Region (NCR) at nagtamo ng fracture sa paa matapos tamaan ng ligaw na bala.

60 anyos naman ang isa pang biktima na mula Cordillera Administrative Region (CAR).

Fracture sa kaliwang collar bone ang tinamo nitong sugat.

Sa monitoring ng DOH hanggang kaninang umaga, may naitala silang 28 bagong kaso ng fireworks-related incident kasama na ang dalawang bagong stray bullet incident.

Mayorya ng mga kaso ay dahil sa legal na paputok at siyam ang na-ospital dahil sa tinamong pinsala.

Sa ngayon, umabot na sa 585 ang kabuuang fireworks-related incident na naitala ng ahensiya.

Pinakamarami rito ay naitala sa NCR, sinundan ng Ilocos Region, CALABARZON, at Central Luzon.

Ang kwitis ang may pinakamaraming nabiktima, sinundan ng 5-star, whistle bomb, pla-pla, boga, luces, at fountain.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble