DOH, nilinaw na walang outbreak ng “hand, foot and mouth disease” sa bansa

DOH, nilinaw na walang outbreak ng “hand, foot and mouth disease” sa bansa

WALANG outbreak ng “hand, foot and mouth disease” (HFMD) sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergeire sa kabila ng kanyang pagkumpirma na patuloy silang nakakatanggap ng mga report ng HFMD cases mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Vergeire, may nakikita silang pagtaas ng mga kaso ng HFMD pero walang sapat na basehan ang mga local government units para magdeklara ng outbreak sa kanilang mga lugar.

Iginiit ng DOH-OIC na lahat ng kaso ay manageable at preventable.

Sinabi ni Vergeire na mula Oktubre hanggang Disyembre 6, nakapagtala sa National Capital Region ng 150 kaso ng HFMD.

 

 

Follow SMNI News on Twitter