HANDA na si Department of Health (DOH) Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na maitalaga bilang kalihim ng ahensya.
Ito ay kung sakaling ialok sa kanya ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa media forum, sinabi ni Vergeire ang kanyang karanasan sa pagpunta sa iba’t ibang lugar para makipag-usap sa iba’t ibang grupo na nagpakita sa kanya ng oportunidad para magsulong ng reporma at mapahusay pa ang sektor ng kalusugan.
Bagama’t aminado si Vergeire na mayroon pa rin siyang mga alinlangan, mas nanaig pa rin ang kanyang kagustuhan na tumulong sa bansa.
Nilinaw naman ni Vergeire na may prosesong gagana at kailangan pa niya itong talakayin sa Pangulo.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na magtatalaga lamang siya ng DOH secretary, oras na bumalik sa normal ang sitwasyon sa bansa matapos ang COVID-19 pandemic.