DOJ, kumpiyansang lalakas ang paghabol sa mga ill-gotten wealth dahil sa kakayahan ng bagong commissioner ng PCGG

DOJ, kumpiyansang lalakas ang paghabol sa mga ill-gotten wealth dahil sa kakayahan ng bagong commissioner ng PCGG

WELCOME development at ikinatuwa ng Department of Justice (DOJ) ang pagtatalaga ng Malacañang kay Atty. Rogelio Quevedo bilang isa sa mga komisyoner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ipinaliwanag ni Justice Sec. Crispin Remulla na malawak aniya ang background sa batas at sa mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) si Quevedo kaya matitiyak aniya ngayon na magiging tama ang paggamit ng mga public resources.

Dagdag pa ni Remulla, na bilang komisyoner ay malaking papel ang gagampanan ni Quevedo sa pagsusulong ng misyon sa DOJ na labanan ang katiwalian at ituloy ang mga kasong may kinalaman sa ill-gotten wealth.

Tiwala rin ang DOJ na buo ang pakikipag-tulungan ni Quevedo upang makamit ang layunin sa paghahangad ng hustisya at kapakanan ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble