DOJ, nakatanggap ng halos 300 reklamo vs tiwaling government officials

BASE sa pinakahuling datos, nakatanggap ng halos 300 reklamo laban sa mga tiwaling government officials ang Department of Justice (DOJ)-Task Force Against Corruption.

Kinumpirma ng Department of Justice-Task Force Against Corruption o DOJ-TFAC na patuloy pa rin silang nakakatanggap ng mga reklamong may kaugnayan sa korapsyon at base sa pinakahuling talaan ay umabot na ito sa 274.

Sinabi ni DOJ Spokesperson at Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na ilan sa mga reklamo ay nakasalang na sa evaluation ng complaints evaluation committee, pero ang iba aniya ay nasa opisina na ni Justice Secretary Menardo Guevarra para sa review.

Kaugnay nito ay 69 na mga reklamo anya ang naendorso na sa mga miyembro ng TFAC at iba pang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan at dalawa sa mga reklamo ay nakitaan ng sapat na porma at nilalaman kaya ipinadala na ito sa Office of the Ombudsman.

May isang reklamo rin aniya ang naiendorso na sa National Prosecution Service para isalang sa preliminary investigation at karamihan aniya sa mga inirereklamo ay mga opisyal ng DPWH District Engineering Office.

(BASAHIN: 14 district engineers ng DPWH, tinanggal na sa trabaho dahil sa isyu ng korupsiyon)

SMNI NEWS