NAIPAMAHAGI ang higit isang libo na sako ng bigas sa 85 benepisyaryo ng Department of Labor & Employment (DOLE) Integrated Livelihood Program (DILP) sa lungsod ng Muntinlupa.
Binubuo ng mga magulang o guardians ng malnourished children mula sa City Nutrition Council, Persons with Disability mula sa PDAO, at Rebooting Activities through Community Engagement (RACE) beneficiaries ng DOLE.
Ang tumanggap ng 1,341 na sako ng bigas sa 85 benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) sa lungsod ng Muntinlupa.
Pinangunahan nina Mayor Ruffy Biazon, DOLE NCR Muntaparlas FO Jun Castillon, at PESO Manager Ms. Glenda Aniñon ang distribusyon ng bigas package na may kabuuang halaga na ₱1.6-M na ginanap sa Muntinlupa Sports Complex.
Nagkaroon din ng ilang lecture and orientation sa nasabing distribution kung saan tinalakay ang:
- 1st 1000 Days ni Baby ng City Health Office
- Overview ng mga programa ng Lungsod para sa mga PWDs
- Tulong Negosyo na Walang Tubo program ng MEFD
- Basic Bookkeeping mula sa MCTI
Samantala, dumalo rin sa programa ang mga tanggapan ng City Health Office-Muntinlupa (CHO), Muntinlupa City Persons With Disability Affairs Office (PDAO), Muntinlupa City Technical Institute (MCTI), at Muntinlupa Entrepreneurship Financing Division (MEFD).