PATOK ngayon sa mga turista ang isang overlooking gardens sa Sultan Kudarat.
Luntiang kabundukan…
Malawak na tanawin…
At ramdam ang kapayapaang hatid ng kalikasan..
Ito ang sumalubong sa amin nang bisitahin namin ang overlooking gardens ng Bansada Agri-Eco Adventure Park.
Ito ang ipinagmamalaki ng bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ang Bansada, may tinatago palang malalim kahulugan.
Tanda ng malalim na koneksiyon nito sa mga taga Sultan Kudarat.
“Yeah yeah, the meaning of Bansada po it’s an Hiligaynon term no? Medyo malalim lang siya so parang yung term ng mga matatanda, punta tayo dun bansada masyado parang makikita mo po lahat. Ibig sabihin in full view,” paglalahad ni Mayor Neng de Pedro, Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ayon kay Mayora de Pedro, hindi pa talaga bago ang bansada sa turismo.
Katunayan, magta-tatlong taon pa lamang ito nang buksan sa publiko.
“Baka magtaka kayo kasi may nagtanong noon bakit walang kahoy? Actually ganun po talaga ang nature ng bundok po namin. Kaya dinagdagan lang po namin ng mga facilities po. Like we have cable car right now bigay po sa amin ng mahal namin na governor amounting to P10-Million po no,” dagdag ni Mayor De Pedro.
“Bukod sa cable car, may iba pang activity na pwedeng mong pag-enjoyan sa Bansada.
Lalo na’t paborito itong takbuhan ng mga pre-nuptial photo-shoots,” aniya De Pedro.
At ng mga gustong magpalitrato sa gardens nito.
May available rin na restaurant para sa mga gustong mag-bogchi habang namamasyal sa lugar.
“‘Yung oval na yan yun po ang pwede nating pasukin if you want an adventure pwede ka pong mag ATV, if you want more adventure so aakyat ka duon sa station 3 hanggang sa cable car station po,” ayon pa kay De Pedro.
Bukod sa tulong ng provincial government, malakas din sa Bansada ang private public partnership (PPP).
Bagay na nagpapabilis sa pag-unlad ng kanilang tourist spot.
Para naman sa LGU, malaking pitch ang pagdating kamakailan ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa Sultan Kudarat.
Para mabigyan ng pagkakataon ang Bansada na masuportahan ng national government.
Naunang sinabi ni Sec. Frasco ang buhos ng DOT sa Mindanao tourism.
“So napakaganda po ng programa doon sa BBMG na (Bisita Be My Guest Program oo Bisita Be My Guest tapos parang proud din kami kasi nga in Bagumbayan we’re proud for not only with the governance and the leadership, we’re proud na nakikita no hindi lang yung sinasabi na eto yung development talagang nakikita no from our provincial hospital, provincial capitol with all the tourist destinations we have,” ani De Pedro.
May paglilinaw naman si Mayora de Pedro sa mga takot magpunta sa Mindanao.
Lalo na sa kanilang probinsiya sa Sultan Kudarat.
“Kung pupunta kayo dito, you will feel the spirit of hospitality of Sultan Kudaratenyos, nakikita niyo po yung development nakikita niyo po yung unity sana po no, experience sabi nga nila Philippine experience sana ma-experience po ninyo yung Sultan Kudarat na ibang mukha po ng Sultan Kudarat,” aniya pa.
“I really invite everyone to visit Sultan Kudarat. Not only to see the beauty of the infrastructure but also to see the beauty of harmonious relationship among our people at makikita niyo po dito how we govern. Dahil ang sinasabi namin dito gusto naming ipakita kung ano ang halal governance. Ibig sabihin po ng halal governance, malinis, diretso sa tao at ito po ay service oriented under the guidance of the Almighty God,” pahayag naman ni Governor Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.
Asahan naman ang marami pang development sa Bansada sa mga susunod na taon.
Patuloy na palalaguin para sa ikaangat ng buhay ng mga taga probinsiya.