DOLE-Region 1 job fairs, aabot sa 760 ang Hired on the Spots nitong June 11-12

DOLE-Region 1 job fairs, aabot sa 760 ang Hired on the Spots nitong June 11-12

AABOT sa 760 o 25.7% sa total applicants ang Hired on the Spots (HOTS) sa isinagawang job fairs na pinangunahan ng Department of Labor and Employment-Region 1 nitong June 11 at June 12.

Sa kabila ng maulang panahon, daan-daang mga jobseeker ang pumunta sa mga job fair sites sa buong Ilocos Region.

Matatandaang, nasa walong job fairs ang inilunsad ng DOLE sa buong Rehiyon 1 kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Tinatayang nasa 2,955 jobseekers naman ang nakiisa sa nasabing job fairs sa kung saan iprinesenta ng mga ito ang kanilang sarili sa 225 participating employers na nag-offer ng 28,571 job vacancies.

Samantala, ang Region 1 ang pangalawa na nakapagtala ng highest Hired on the Spots percentage rate at pangatlo naman sa nakapagtala ng pinakamaraming registered jobseekers.

Follow SMNI NEWS in Twitter