NAKARATING na sa Hollywood, Los Angeles ang internationally-acclaimed Filipina actress na si Dolly de Leon upang paghandaan ang 80th Golden Globe Awards kung saan ito nominado bilang Best Supporting Actress para sa “Triangle of Sadness.”
Nagsagawa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng send-off party nitong Linggo para kay De Leon sa San Juan City kasama ang malapit nitong mga kaibigan at ka-trabaho.
Pabirong sabi ni De Leon, ‘wag na lamang mag-expect ang mga tao sa kanya at sapat nang na-nominate siya.
Si De Leon ang kauna-unahang Filipino actress na manalo ng Best Supporting Performer Awards sa Los Angeles Film Critics Association.
Personal ding tatanggapin ni De Leon ang awards sa January 14 sa Los Angeles.
Ang 80th Golden Globes Ceremony ay mapapanood online sa Miyerkules ng umaga sa Pilipinas. Hollywood