NANANATILING positibo ang caption ni Dominic Roque sa kaniyang latest Facebook post na dedicated para kay Bea Alonzo.
Kasabay ang video clips ng mga biyahe nilang dalawa sa abroad na ginamit niya bilang birthday greeting sa aktres, sinabi ni Dom na “Bea’s beautiful person inside ‘n out.”
Mula sa caption ay sinabi rin ng aktor na sana’y matigil na ang anumang “hate, bashing,” at “negative things.”
Kamakailan ay kinumpirma ni Boy Abunda na hiwalay na ang dalawa.
Kung matatandaan, engaged na sana si Bea at Dom noong Hulyo 2023 subalit pagpasok ng 2024 ay umuugong ang mga ulat na hindi na ito matutuloy dahil nag-break sila.