Donnalyn Bartolome, kinilala bilang Woman Leader sa World Women Leadership Congress Award 2023

Donnalyn Bartolome, kinilala bilang Woman Leader sa World Women Leadership Congress Award 2023

KINILALA ang social media influencer na si Donnalyn Bartolome bilang Woman Leader mula sa ginanap na The World Women Leadership Congress Award 2023.

Sa Instagram post ni Donnalyn, ibinahagi nito sa kaniyang followers ang kasiyahan matapos matanggap ang naturang pagkilala.

Itinuturing din ng 29-taong gulang social media influencer na isa itong pinakamagandang birthday gift na kaniyang natanggap.

Lubos naman ang kaniyang pasasalamat sa Diyos dahil sa kabila ng kaniyang mga pagkakamali ay binibiyayaan pa rin siya ng mapagmahal na pamilya, mga kaibigan, at taga-suporta.

Kaugnay rito, nangako rin si Donnalyn sa kaniyang mga taga-hanga na patuloy niyang pagbubutihin ang kaniyang sarili at maipakita sa lahat na mas huhusay pa siya matapos ang ibinigay na pagkilala sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter