TUMATAAS ang industriya ng Philippine Rabbit sa mga nakalipas na taon at isa ang probinsiya ng Pangasinan na gumagawa ng rabbit farming kabilang na ang meat production.
Para masuportahan ang rabbit industry, nagbigay ang Department of Science and Technology-Regional Office 1 (DOST-1) ng P188,000 na halaga ng mga technology equipment sa Pangasinan Rabbit Raisers Agriculture Cooperative (PRRAC) sa pamamagitan ng Community-Based Projects (CBP) para sa taong 2022.
Ang PRRAC ay grupo ng mga rabbit raisers sa Pangasinan sa Sta. Barbara, Pangasinan at ito ang nagsu-supply ng mga rabbit sa iba’t ibang restaurants sa Pangasinan.
Dahil sa pagtaas ng demand ng rabbits, kailangan nilang mag-produce ng mas maraming feeds para sa kanilang rabbit kaysa sa bumili ng mataas na cost ng commercial feeds.
Nakatanggap ang nasabing kooperatiba ng isang unit shedder machine, one unit hammermill at isang unit of pelletizer na magagamit sa paggawa ng feeds para sa mga rabbit na may less effort at time.
Ang CBP program ng DOST ay nag-aassist ng start-up community –based associations/cooperatives at nagpo-provide ng pondo para sa importanteng S&T undertakings para sa pagpapaunlad ng productivity at quality sa pamamagitan ng pag-generate at pag-promote ng tamang teknolohiya.