DOT at AirAsia, palalakasin ang halal tourism ng Pilipinas

DOT at AirAsia, palalakasin ang halal tourism ng Pilipinas

NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism (DOT) sa AirAsia Philippines para mapalakas ang Halal Tourism ng bansa.

Bahagi ito sa target ng ahensiya na maging Muslim-friendly destination ang Pilipinas.

Noong Enero 9, 2025 nang nilagdaan ng dalawa ang isang Memorandum of Understanding sa DOT Central Office, Makati City.

Sa ilalim ng kasunduan, ipapakilala ng AirAsia sa kanilang mga flight ang halal-certified meals.

Ang AirAsia pa lang ang kauna-unahang airline na kinilala ng DOT bilang Muslim-friendly.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble