DOT, hinimok ang FilCom members sa Japan na lumahok sa “Bisita, Be My Guest” program

DOT, hinimok ang FilCom members sa Japan na lumahok sa “Bisita, Be My Guest” program

HINIMOK ng Department of Tourism (DOT) ang mga miyembro ng Filipino community sa Japan na lumahok sa “Bisita, Be My Guest” incentive program.

Sa ginanap na pre-program activities bago ang pakikipagkita ni  President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa  Filipino community sa Japan, binigyang-diin ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang mahalagang papel ng mga Pinoy abroad sa paghikayat ng mas maraming turista na bisitahin ang mga tourist destination sa bansa.

Layon ng nasabing programa na hikayatin ang nasa higit 300,000 overseas Filipino at overseas Filipino workers (OFWs) sa Japan na maging tourism ambassador.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang mga OFWs at balikbayan na makapagdadala ng bisita sa bansa ng travel passport at privilege card.

May tsansa ring manalo ang ating mga kababayan sa raffle draws na gagawin ng 3 beses tulad ng holiday trips at condominium.

 

Follow SMNI News on Twitter