DOT nanawagan na i-upgrade ang mga secondary airport sa buong bansa

DOT nanawagan na i-upgrade ang mga secondary airport sa buong bansa

NANAWAGAN ang Department of Tourism (DOT) na kailangan nang i-upgrade ang mga secondary airport sa bansa.

Partikular na tinukoy ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang mga paliparan sa Cebu, Davao, Iloilo, at iba pang lugar na malaki ang potensiyal na maging international gateways.

Ito aniya ay makatutulong para mapalakas pa ang industriya ng turismo sa bansa.

Ito ay sa kabila aniya ng pagkakaroon na ng mga ‘positive developments’ sa pakikipagtulungan ng DOT at Department of Transportation tulad ng pagsasaayos sa terminal facilities at pagkakaroon ng layover program sa mga pasahero.

Matatandaan na kabilang sa mga inirereklamo sa mga paliparan sa bansa ang mga hindi gumaganang escalator, elevator at air conditioning systems.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble