DOTr kakausapin ang Manibela hinggil sa 3-day transport strike

DOTr kakausapin ang Manibela hinggil sa 3-day transport strike

MAKIKIPAGPULONG ang Department of Transportation (DOTr) sa transport group na Manibela matapos ianunsiyo ang planong tatlong araw na transport strike.

Ayon sa ahensiya, mas mainam na mag-usap na lamang kaysa ituloy ang strike upang hindi maapektuhan ang mga commuter.

Sinasabing sentro ng protesta ng Manibela ang umano’y maling datos na ipinakita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko at sa Pangulo.

Ayon sa LTFRB, 86% ng mga public utility vehicles (PUVs) ay nakonsolida na bilang bahagi ng modernization program ng gobyerno.

Gayunman, kinumpirma ni DOTr Sec. Vince Dizon na nasa 43% lamang ang aktwal na bilang ng mga opisyal na sumali sa consolidation.

Ang transport strike ng Manibela ay nakatakda sa Marso 24, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble