DOTr, kinumpirma ang pagbibitiw ni OTS Chief Ma.O Aplasca

DOTr, kinumpirma ang pagbibitiw ni OTS Chief Ma.O Aplasca

KINUMPIRMA ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista ang pagbibitiw sa puwesto ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Ma.O Aplasca nitong Martes, Setyembre 26.

Ito’y matapos ang panawagan ni House Speaker Martin Romualdez kay Aplasca na magbitiw na ito sa puwesto kasunod ng insidente ng lunok-dolyar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinasasangkutan ng isang babaeng screening officer na nagnakaw ng 300 dolyar mula sa isang pasaherong dayuhan.

Nagbitiw rin ng salita si Romualdez na personal nitong haharangin ang 2024 budget ng OTS kapag hindi magre-resign si Aplasca.

Ang pagbibitiw ng OTS chief ay para maiwasang maapektuhan ang buong OTS sa naturang banta ng House Speaker.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter