IPINAGDIRIWANG ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang ika-125 anibersaryo ngayong araw ng Miyerkules, Pebrero 7, 2024.
Dahil diyan may handog silang libreng sakay para sa lahat ng mga mananakay ng MRT-3 at LRT-2.
Mula 7:00-9:00 ng umaga, at mula 5:00-7:00 ng gabi maaaring i-avail ng mga commuter ang libreng sakay sa mga nasabing rail line.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3 na ang kanilang libreng sakay ay selebrasyon at pagpapatunay ng matibay na suporta ng linya sa misyon ng DOTr na magbigay ng ligtas, komportable, maaasahan, at maayos na transportasyon sa publiko.
At sa gitna nga ng mataas na presyo ng mga bilihin sabayan pa ng mataas na presyo ng gasolina, ginhawa ang dulot niyan sa ating mga commuter.