MULING pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa lahat ng health and safety protocols ngayong darating na Semana Santa.
Kasunod sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos“, pinapayuhan ng DOTr ang publiko na panatilihin pa rin ang pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay at pagsasanitize, lalo na tuwing babiyahe sa mga pampublikong transportasyon.
Sinabi ng DOTr, na asahan ang pagdagsa ng mga biyahero sa mga terminal, pantalan, paliparan, at istasyon ng mga tren habang papalapit na ang Semana Santa.
Sa huli, sinabi ng DOTr na maaring tumawag sa kanilang hotline sa 8877-111 para sa MIAA, 1-342-596 sa LTO, (02)8529-7111 sa LTFRB, (02)8924-0054 para sa MRT at (02)8647-3445 para sa LRTA at maari ding tumungo sa mga help o assistance desk na nasa mga terminal.
Hakbang ito ng ahensiya para masiguro ang ligtas at maayos na biyahe ngayong Semana Santa.