KINUMPIRMA ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na kasama siya sa kinokonsiderang papalit na magiging press secretary.
Ayon kay Chavez, inalok din siya sa naturang posisyon pero sinabi niyang pag-iisipan niya muna ito.
Dagdag pa ni Chavez, kasama rin sa ikinokonsiderang personalidad para sa naturang posisyon sina Atty. Mike Toledo at Gilbert Remulla.
Nitong Martes, inanunsyo ang pagbibitiw sa pwesto ni dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.