BINISITA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tropa ng 4th Infantry (Diamond) Division sa Camp Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City sa pangunguna ni Undersecretary Eduardo M. Punay.
Layon ng nasabing pagbisita ay upang mapalakas pa ang ugnayan ng DSWD at ng mga sundalo para maipaabot ng pamahalaan ang mga programa sa komunidad na nasa mga liblib na lugar sa Northern Mindanao at CARAGA Region sa pamamagitan ng whole of the nation approach.
Upang sa gayon ay matapos na ang armadong pakikibaka ng mga teroristang grupo laban sa gobyerno.
Pinasalamatan naman ni Major General Jose Maria Cuerpo II, Commander ng 4th Infantry (Diamond) Division si Usec. Punay at ang DSWD dahil sa walang humpay na tulong at suporta nito sa 4ID at sa nagkakaisang layunin upang matulungan at matulungan ang komunidad na hindi na mabalikan at malinlang pa ng mga communist terrorist group (CTG).
princess……….