DUMULOG si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kay dating Senator Richard Gordon para pag-ibayuhin pa ang disaster response ng ahensya.
Si Gordon ang siyang chairman ng Philippine Red Cross (PRC) na bihasa sa deployment tuwing may kalamidad at emergency.
Personal namang nagtungo si Gatchalian sa operations center ng PRC at tinignan kung paano pinapatakbo ng organisasyon ang kanilang operasyon.
Tiniyak naman ni Gatchalian na ipapa-improve nito ang command center ng DSWD para maging proactive ito sa disaster response.
Nauna nang sinabi ng bagong kalihim na pag-iibayuhin nito ang lahat ng proseso sa DSWD batay sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.