DSWD nakipagtulungan sa pribadong sektor vs malnutrisyon, pagkabansot sa mga bata

DSWD nakipagtulungan sa pribadong sektor vs malnutrisyon, pagkabansot sa mga bata

SANIB puwersa ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba pang pribadong sektor upang matugunan ang problema sa malnutrisyon at child stunting o pagkabansot.

Isa sa hangarin ng administrasyong Marcos ay masolusyunan ang problema sa malnutrisyon at child stunting o pagkabansot na kakabit ng isyu sa kagutuman.

Ayon sa Management Association of the Philippines (MAP), ang Pilipinas ang panglima sa mga bansa sa East Asia at Pacific na may mataas na child stunting.

Sa Second Quarter ng 2023 Social Weather Stations Survey (SWS) bahagyang tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng gutom.

Batay sa June 2023 SWS survey, nasa 10.4% ang mga pamilyang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan na mas mataas sa 9.8% hunger rate noong Marso.

Ang DSWD ay gumagawa pa ng mga hakbang upang matugunan ito sa pamamagitan ng mga programa.

Halimbawa rito ang nagpapatuloy na pilot implementation ng “food stamp” na hindi lang basta pagbibigay ng makakain sa mahihirap na Pilipino kundi matiyak ang masustansiyang pagkain ang maihahain sa hapag ng mga benepisyaryo.

At sa pagsugpo ng problema ng Pilipinas sa malnutrisyon ay mahalaga ang whole of nation approach kung kaya’t mas pinalakas pa ang ugnayan sa mga pribadong sektor.

Punto ng kalihim, kinakailangan mabago ang pag-iisip ng mga Pilipino pagdating sa pagkain lalo’t napakasama ng dietary consumption ng mga Pinoy.

Tiniyak naman ni MAP President Benedicta Du-Baladad na buo ang suporta ng kanilang organisasyon para makatulong sa national government para sa anti-poverty o anti-hunger campaign.

Umaasa naman ang DSWD na marami pang mga pribadong sektor ang magiging katuwang ng nasyonal na pamahalaan na layunin mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble