DSWD Sec. Gatchalian, pinulong ang mga regional director bilang paghahanda sa El Niño

DSWD Sec. Gatchalian, pinulong ang mga regional director bilang paghahanda sa El Niño

PINAALERTO na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director ng ahensiya kasunod ng pinangangambahang El Niño na inaasahang tatama sa mga susunod na buwan.

Sa isang pagpupulong, natalakay ang disaster preparedness ng ahensiya upang matiyak ang agarang pagresponde sa mga residente na maaapektuhan ng dry spells o tag-tuyot dahil sa El Niño.

Nabatid na sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na sa Hulyo, Agosto at Setyembre ang posibilidad ng pag-develop hanggang 80% dahil sa El Niño.

Sa Oktubre, Nobyembre at Disyembre ay magsisimula na ang epekto ng tag-tuyot, at sa Enero, Pebrero, Marso at Abril 2024 ay inaasahan ang impact ng El Niño.

Follow SMNI NEWS in Twitter