WALANG makapipigil sa paghahatid serbisyo at mga programa ng Department of Social Welfare Development (DSWD) para sa mga pangangailangan ng mahihirap, vulnerable, at marginalized na mga Pilipino.
Ito ay matapos pagbigyan ng Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon ng departamento para sa exemption ng mga nakagawian at normal expenses nitong Huwebes.
Malugod namang tinatanggap ng DSWD ang exemption dahil tinitiyak nito na hindi mapipigilan ang pagpatutupad ng mga regular na programa ng departamento.
Kabilang sa mga programa na inaprubahan ng COMELEC ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na layong matulungan ang mga maralitang Pinoy.
Kasama rin sa inaprubahang mga programa ay ang livelihood program, Kapit-Bisig Laban sa public spending gaya ng Kahirapan-Comprehensive, Integrated Delivery of Social Services, Inclusive and Sustainable Peace and Protective Services partikular sa mga nagbalik loob sa pamahalaan.
Maliban dito, ang pagbili ng mga kagamitan para sa information technology ay exempted din sa public spending.
Sa kabila nito, nagpahayag ng pagbati si COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa naging dedikasyon ng DSWD sa pagtulong sa mga kababayan.
Ang pahayag na ito ay kasunod sa isinagawang Tripartite Memorandum of Agreement ng DSWD, DILG at ng COMELEC na ipagpapatuloy ang pagtulong at paglabas ng pera sa gitna ng halalan.
Sa katunayan, sa naging sesyon ng en banc tiniyak ng DSWD sa komisyon na mayroong mga mekanismo upang matiyak na ang mga programa at serbisyo nito ay hindi gagamitin para sa mga aktibidad na partisan sa pulitika.
Matatandaang, ipinagbabawal ang pagpapalabas, disbursement o paggastos ng mga pondo gaya ng nakasaad sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10747.
Asahan na magtuloy-tuloy pa ang mga programa ng DSWD na magbibigay ng kaunting kaginhawaan sa nga 4Ps beneficiary lalo na ngayong nagpapatuloy pa ang laban kontra COVID-19.